36 dayuhan idedeport ng BI

Tinatayang 36 na dayuhan na karamihan ay over­-staying sa bilangguan ang idedeport ng Bureau of Immigation (BI) upang maiwasan ang patuloy na pagsisikip ng kulungan. Ayon kay Immig­ration Commissioner Mar­celino Libanan ang pag­papatalsik sa bansa ng 36 na foreign detainees, ay dahil sa mahigit ilang taon ng nakakulong at naisyuhan na ng summary deportation orders ng BI board of commissioners ang mga ito.

Sinabi pa ni Libanan na hinihintay na lamang ng BI ang pag-iisyu ng aliens‚ travel documents ng kani-kanilang mga embahada at mga clear­ance na kinakailangan sa kanilang deportasyon.

Kabilang sa mga clearance ay magmumula sa korte, Philippine National Police at National Bureau of Investigation upang matiyak na wala silang naka­binbing kasong sibil at criminal para maharang ang kanilang pag-alis.

Maliban sa kulang ang mga  tra­vel documents at clearances ng mga deportees ilan sa mga ito ay hindi pa nakakabili ng plane tickets at hindi pa nakaka­bayad ng multa sa pag­labag sa im­migration laws. (Gemma Amargo-Garcia at Ellen Fernando)

Show comments