Humihingi ng dagdag na budget si Ombudsman Merceditas Gutierrez sa pamahalaan makaraang aprubahan lamang ng Kongreso ang may P974M budget sa Ombudsman ngayong 2007.
Sinabi ni Gutierrez na ang dagdag na pondo ay laan para sa pagkuha ng dagdag na mga graft investigators, pagtatayo ng gusali ng Ombudsman sa Davao City, Special Prosecutor sa Quezon City at ang panukalang Ombudsman Academy. (Angie dela Cruz)