Nagsawa sa problema, nagbigti

Winakasan ng isang houseboy ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob mismo ng pinagtatrabahuhang warehouse kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Lawit pa ang dila ng biktimang si Jesus Cabillo, 26, nang matagpuan ng kanyang kasamahan sa loob ng kanilang bodega sa no. 1639 Baltazar St. Tondo, Maynila.

Ayon kay SPO1 Carlos Santos, ng Manila Police District-Homicide Section, natagpuang nakabigti ang biktima dakong alas-6:00 ng umaga gamit ang isang nylon cord sa loob ng bodegang pag-aari ng isang Felix Ching.

Sinabi ni Olive Aquesa, 26, na nagtext pa ang biktima sa kanya noong Miyerkules ng gabi kung saan nakasaad na "sawang-sawa na ako sa mga problema sa buhay."

Binalewala ni Aquesa na binalewala niya ang text ng biktima sa pag-aakalang nagbibiro lamang ito tulad na ring madalas na ginagawa nito. (Doris Franche)

Show comments