Anak ng may-ari ng Rustan’s natagpuang patay sa condo

Natagpuang patay sa isang condominium unit sa Makati City ang anak ng isang prominenteng pamilya na may-ari ng Rustan’s Department Store.

Kinilala ang biktimang si Joel Tantoco, 38. Tumanggi namang humarap sa media ang pamilya nito at ipinaubaya na lamang sa mga pulis ang imbestigasyon.

Ayon sa report, nagpapa-wake-up call si Tantoco kahapon ng umaga nang makita ng condo attendant na nakabukas ang pinto ng unit at nakitang nakahiga sa sofa ang biktima at wala ng buhay.

Ipina-autopsy na ang bangkay ni Tantoco at base sa findings ay acute hemorrhagic pancreatitis o bangungot ang ikinamatay nito.

Dahil dito, malabo umano ang foul play sa pagkamatay ni Tantoco dahil ayon sa pulisya, kapag magulo ang lugar ay may struggle, subalit sa nakita ng mga awtoridad ay maayos ang lugar.

Nakatakdang ilagak ang labi sa Sacred Heart Church sa Makati City. (Edwin Balasa)

Show comments