Sa ulat ni Customs Intelligence and Investigation Service director Jairus Paguntalan kay Customs Commissioner Napoleon Morales, nakumpiska ang naturang kontrabando matapos silang makatanggap ng intelligence information na misdeclared ang mga ito na nakatakdang ilabas sa MICP.
Nakumpiska ang may 240 kahon ng frozen fish fillet at hindi pa malamang halaga ng mga frozen meat mula sa Hong Kong. Nadiskubrre ang mga ilegal na kontrabando matapos na mabigo ang importer nito na maglabas ng import permit mula sa Bureau of Animal Industry kung saan nakapangalan ito sa Mantolin Trading sa ilalim ng entry no. 08434-2006.
Nabatid na mayroon ding iba pang 12 container vans ang nakumpiska na naglalaman ng mga polyester mula sa bansang Vietnam na tinatayang nagkakahalaga ng 42 milyon kung saan nakapangalan ito sa Oleofats Inc. at Coex Inc. subalit pinabulaanan naman ng mga ito na sa kanila ang kontrabando.
Ipinag-utos ni Morales na kaagad na magsagawa ng malalim na imbestigasyon tungkol sa bigong pagpupuslit ng kontrabando at kaagad na magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga taong nasa likod nito. (Gemma Amargo-Garcia)