Kinilala ng pulisya ang suspect na si Rafael Santillan, residente ng 216 East Service Road, Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, si Santillan ay naaresto dakong-4 kamakalawa ng hapon sa pinagtataguan nitong lugar sa Doce Trentay Sais St., East-Bagong Barrio, Caloocan City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Luisito Sardillo ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 126 sa kasong homicide at pending rape case.
Ang pagkakaaresto kay Santillan ay bunga ng pakikipagtulungan sa pulisya ng mga taumbayan sa nabanggit na lugar.
Nabatid na tinangka pa umanong tumakas ni Santillan sa isinagawang operasyon subalit naagapan din ito. (Rose Tamayo)