Dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ng mga bumbero ang biktimang si Arsenio Daw, 38, ng Marinduque St., San Francisco del Monte, Quezon City at anak ng may-ari ng Winston garment factory.
Batay sa imbestigasyon bandang alas-2 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa may 2nd floor ng establisimento na umabot hanggang ika-limang alarma.
Pinaniniwalaang nahulog mula sa 2nd floor ang biktima dahil nadiskubre ang bangkay nito sa ground floor nang masunog ang nasabing establisimento.
Ayon naman kay QC Fire Marshall Chief Supt. Oscar Villegas, tinatayang milyong piso ang halaga ng mga ari-arian ang napinsala ng apoy sa naturang sunog na nakontrol bandang alas-4 ng madaling araw.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin alam ng mga arson investigators ng Bureau of Fire Protection o BFP ang pinagmulan ng sunog at patuloy pa rin ang isinasagawang mopping up operation sa lugar.
Sinabi pa ni Villegas na pag-aari ni Pacita Daw ang nasabing establisimento. (Doris Franche)