Nasawi noon din ang biktima na si Rolando Cruz, residente ng Purok 6, Pasong Makipot, Brgy. Putatan ng naturang lungsod dahil sa tinamo nitong maraming tama ng bala sa ibat ibang parte ng katawan buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.
Samantala, naglalakad lamang na tumakas ang mga suspect na kasalukuyan na ngayong pinaghahanap ng mga awtoridad.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa harapan mismo ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.
Napag-alaman na kasalukuyang nakatayo ang biktima nang biglang pinagbabaril ito ng mga suspect.
Malaki naman ang paniniwala ng pulisya na posibleng may kinalaman sa awayan sa negosyo ang dahilan ng pamamaslang sa biktima. (Lordetrh Bonilla)