Ayon kay Quezon City Mayor Feliciano Belmonte, bago sumapit ang Nobyembre 30 ay matatanggap na ng mga empleyado ang kanilang bonus upang maagang makapag-shopping para sa kanilang pamilya.
Una nang inatasan ni Belmonte ang City Budget, Accounting at Treasury Department na ipalabas ang lahat na kailangang pondo para bayaran ang benepisyo ng mga empleyado.
Ang lahat ng elective at appointive regular plantilla employees ng City government na status na permanent, temporary, co-terminus status ay makatatanggap ng bonus kung ito ay nasa serbisyo hanggang Oktubre 31, 2005 at mga nagserbisyo ng 4 na buwan mula Enero hanggang Oktubre ng taong ito.
Pro-rated cash gift naman ang matatanggap ng mga empleyado na hindi nakapagserbisyo sa trabaho ng wala pang apat na buwan.
Exempted sa bonus at cash gift ang mga empleyado na covered ng contracts of service kasama na ang consultants at hindi bahagi ng organic power ng QC government tulad ng mga tauhan na galing sa national government agencies, mga tauhan na na-AWOL noong Oktubre 31, 2005 at hindi na empleyado mula October 31, 2005 dahil sa retirement, resignation, termination at separation mula sa serbisyo. (Angie dela Cruz)