Ito ang nakasaad sa Administrative Order 010-2005 na nilagdaan nina LTO Chief Anneli Lontoc at Transportation Secretary Leandro Mendoza, kasama sina Budget Secretary Emilia Boncodin at Finance Secretary Juanita Amatong.
Nakasaad sa naturang kautusan na layunin nito na maibsan ang pagod ng mga motorista, maiwasan ang fixing activities at makatipid sa gastusin sa pagpapagawa ng sticker na ang halaga ay umaabot sa P4 na milyon.
Kasama na rin sa bayarin sa tatlong taong rehistro ay ang Certificate of Conformity (COC) na inisyu ng Department of Environment and Natural Resources at ang Compulsary Third Party Liability insurance policy para sa tatlong taon. (Ulat ni Angie dela Cruz)