Ang bangkay ni Reynante Delos Santos, 32, ng #9 Abe Road, Brgy. Bagbag, Q.C. ay natagpuan dakong alas-9 ng gabi ilang metro lamang ang layo sa bahay nito.
Batay sa ulat ng pulisya, isang Mona Manawis ang nakakita sa biktima na naliligo sa kanyang sariling dugo at tatad ng saksak sa katawan.
Wala namang matukoy na motibo at suspect ang mga pulis maliban sa ito ay pinaniniwalaang napagtripan ng mga drug addict. (Doris Franche)