Dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Rodolfo Mijares, 40, ng Blk.34, Lot 4, San Jose, Rodriguez, Rizal matapos na magtamo ng tama ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Batay sa inisyal na ulat ni SPO1 Fedencio Basibas, ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), dakong alas- 12:55 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima malapit sa AMLAC Subdivision, Brgy. Payatas A, Q.C.
Ayon kay Nilo Guerrero, security guard ng subdivision, napansin niya na matagal nang nakaparada ang taxi ng biktima kung kayat ito ay kanyang pinuntahan.Subalit laking gulat niya nang makitang tumutulo ang dugo ni Mijares habang nakayuko.
Agad na humingi ng tulong si Guerrero sa kanyang kasamahan at sa pulisya.
Batay sa pulisya, posibleng hinoldap ang biktima kung saan ito ay nanlaban hanggang sa pagsasaksakin ng mga holdaper. Nabatid na nawawala ang pera, wallet at ilang gamit sa taxi ng biktima. (Ulat ni Doris Franche)