Kinilala ang nasawing mga biktima na sina William Tamang, 49, driver ng Hyundai van; Danilo Beleta Sr., 54; Ernesto Ocampo, 48; at Glen Cueva.
Isinugod naman sa Ospital ng Maynila at Pasay City General Hospital ang mga sugatan, kabilang dito ang driver ng Panda bus na may plakang NHF-118.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:50 kahapon ng umaga sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Blvd. sa Brgy. Baclaran sa Parañaque City.
Nabatid na habang binabagtas ng bus ang naturang lugar, nawalan ito ng preno na naging dahilan upang tumawid sa kabilang island kung saan sumalpok naman ito sa paparating na van na sa bilis ng pangyayari ay hindi na rin nakaiwas pa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)