Ang naturang aksyon ay kanilang isinagawa para kondenahin ang umanoy hindi nila makayanang pangongotong ng mga enforcers lalo na sa Cubao area. Isama na rin dito ang pagtaas ng presyo ng krudo na nagdulot ng pagtaas sa halaga ng bilihin.
Gayunman, hindi naman tumagal ng maghapon ang paralisasyon ng mga biyahe matapos na personal na magtungo at kausapin ang mga welgista ni LTFRB Chairperson Ellen Bautista.
Ayon kay Boy Vargas, pangulo ng ALTODAP, na nangako naman sa kanila si Bautista na isasalang sa maayos na pag-uusap sa darating na Lunes sa LTFRB office ang problema ng ALTODAP kasama ang mga taga-pangasiwa ng Ali Mall. (Ulat ni Angie dela Cruz)