Kinilala ng pulisya ang sumuko na si Oland dela Cruz, alyas Putol.
Si Putol ay personal na nagtungo sa pulisya at isinuko ang sarili makaraang makarating sa kanyang kaalaman na pinaghahanap na siya ng vigilante group upang likidahin dahil sa talamak nitong pagtutulak ng droga.
Nabatid na si Putol ay pang-apat na sa listahan ng 10 notorious target illegal drug personality kung saan nagkukuta ito sa M. Hizon St. sa 10th Avenue West ng nasabing lungsod.
Inginuso ni Putol ang isang nagngangalang Rosing Uhog na siyang kinukunan niya ng shabu. (Ulat ni Rose Tamayo)