Bukod kay Cardeño, kasama rin sa kinasuhan sina Joseph Mostrales na siyang nagsilbing triggerman; Jaime Centeno, Erlindo Torres at Santiago Camacho, samantalang napatay naman sa shootout ang kanilang mga kasama na sina Rodolfo Patino, Eugene Radam at Diosdado Santos.
Sa sampung pahinang resolusyon na inihain ni Senior State Prosecutor Theodore Villanueva napatunayan na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga akusado sa pamamagitan ng pagpaplano sa pagpaslang kay Cervantes noong Disyembre 31, 2001.
Kabilang din sa pinagbasehan at ebidensiya ng prosecution ang nakuhang text message sa cellphone ni Cervantes na galing kay Mostrales noong araw na paslangin ito. (Ulat ni Gemma Amargo)