Ito ang naging babala kahapon ni CIBAC Partylist Rep. Emmanuel Joel Villanueva bunsod na rin sa hinihinging pagtataas ng singgil ng dalawang water concessionaires sa bansa simula sa Enero 2003.
Ayon sa mambabatas, tinatayang aabot sa P31.30 bawat cubic meter ang singgil sa tubig ng Maynilad Water habang P19.64 naman sa Manila Water mula sa dating P15.46 at P6.75 per cubic meter.
Sinabi ni Villanueva na walang naitulong ang MWSS Regulatory Office na siyang inatasan ng batas para protektahan ang mga consumer.
Sa kabila ng mga umanoy ebidensiya kaugnay sa hindi magandang performance ng dalawang concessionaires ay hindi rin kumikilos ang ehekutibo ukol dito. (Ulat ni Malou Escudero)