Hindi na umabot pang buhay nang isugod sa Tondo General Hospital sanhi nang pagkabasag ng bungo at pagkaipit sa dibdib ang biktimang nakilalang si Rheynel Anden ng 2420 Malaya St., ng nasabing lugar.
Nabatid mula sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:40 ng umaga sa tapat ng Anne videoke shop na pagdadalhan sana ng naturang videoke machine sa nabanggit na lugar.
Bago naganap ang insidente, nabatid na iniutos ni Barangay Chairman Boy Silvestre na ibalik na sa naturang karaoke shop ang naturang videoke dahil sa ito ay may diperensiya.
Sakay ng kariton at tulak-tulak ng may apat na kalalakihan at tinatahak ang naturang kalye na lingid sa mga ito ay sinampahan ng biktima.
Bunga nang pagkawala ng balanse ay bumaligtad ang videoke machine at humampas sa kalye kung kayat nadaganan at napisak ang biktima na nagresulta sa dagliang pagkamatay nito. (Ulat ni Grace Amargo)