Hindi na umabot ng buhay sa Pasay City General Hospital ang biktima na nakilalang si Roger Carballa, 21, na umano ay siga sa kanilang lugar sa E. Rodriguez st., Malibay, matapos magtamo ng maraming saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Agad naman na naaresto ang suspek na si Andy Agnes, construction worker at kapitbahay ng biktima.
Nabatid sa pagsisiyasat ni PO2 Ramil Padeos, isa umanong siga ang biktima sa kanilang lugar at lagi umanong kinukursunada ang suspek na hindi lumalaban at lagi na lang nagtitimpi.
Dakong alas-6:10 ay nagsalubong ang biktima at suspek sa isang iskinita ng Tramo at Edang sts., at sinadyang banggain ng una ang huli.
Hindi na nakatiis ang suspek kayat lumaban na ito hanggang sa nakuha nito ang patalim ng biktima at kanya itong inundayan ng mga saksak. (Ulat ni Lordeth Bonilla)