Grabe sa pagamutan ang biktimang si Ricardo Saldore, 45, ng Villa Atacio ng lungsod na ito dahil sa dalawang tama ng saksak sa katawan.
Ang suspek na nakatakas ay nakilalang si Verlito Sta. Ana, 30, na kapitbahay ng biktima.
Sa imbestigasyon, nag-aaway dakong alas-11 ng gabi ang suspek at ang asawa nito.
Dahil sa ingay ng mag-asawa ay lumabas sa kanyang bahay ang biktima at nakiusyoso.
Hindi nito mapigilan ang sarili sa kanyang nakikita na pang-aapi umano ng suspek sa kanyang asawa kung kayat pumagitna ito at nakialam.
Naasar ang suspek at ang galit nito sa asawa ay kanyang binaling sa biktima at ito ay kanyang sinaksak ng dalawang beses. (Ulat ni Lordeth Bonilla)