Positibong itinuro ni Amelita (di tunay na pangalan), ng Bo. Kapampangan, Sta. Maria, Paco ang suspek na si Arce Laquindanum ng nasabing lugar ng maispatan niya ito sa lamay dalawang oras makaraan siyang halayin at pagbantaang papatayin kapag nagsumbong.
Sa salaysay ng biktima, natutulog siya dahil sa planong pagdalo sa burol ng isang kaibigang namatayan ng maramdaman niyang mayroong kamay na humihimas sa kanyang kaselanan.
Napabalikwas ang biktima, pero patalim ang bumati sa leeg nito mula sa suspek sabay bulong na may masamang mangyayari sa kanya kapag nag-ingay.
Sa takot ay walang nagawa ang biktima kaya nagtagumpay ang panghahalay ng suspek.
Inilihim ng dalaga ang nangyari, pero sa lamay ay nagulat ito ng maispatan ang suspek kaya lihim itong nagtungo sa istasyon ng pulisya at agad naaresto ang suspek. (Ulat ni Andi Garcia)