Hindi na umabot ng buhay sa Angono District Hospital dahil sa bali at pagkabagok ng ulo, ang biktimang si Maximino Burgos, 48, ng #2 J. Asilo St., Brgy. San Isidro, bayang ito.
Nasa pangangalaga naman ngayon ng Taytay Police ang nakabangga sa kanyang si Jeboy (di-tunay na pangalan), estudyante.
Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-7:15 ng gabi sa may Isagani St., Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.
Nabatid na pinabantayan ng ama kay Jeboy ang dala nilang tricycle na walang plaka sa naturang kalsada. Napakialaman ng bata ang kambyo ng sasakyan kaya tuluy-tuloy na umandar ito pabalik.
Nataranta naman ang bata at hindi na nagawa pang tapakan ang preno ng sasakyan hanggang sa bumangga ito kay Burgos. (Ulat ni Danilo Garcia)