Sa isang chemical reaction, ang asoge, kapag nahalo sa iba pang elemento at nakontamina ang sinuman lalot sanggol pa lamang ay magkakaroon ng immunity sa harsh effect at tuluyang dadaloy sa kanyang body system at dalawa lamang ang puwedeng mangyari: na ito ay maging inutil siya o kaya ay super genius o mayroong altered mutated genes na tulad ng mga super humans.
Maaaring napakahirap na paniwalaan, ngunit ang katotohanan na ito ay magaganap ay hindi nalalayo sa loob lamang ng 5 hanggang 10 taon.
Ito ang ibinulgar kahapon ni Dr. Nelia Cortez Maramba, hepe ng University of the Philippines-PGH National Poison Control and Information Service sa ginawang health forum sa Annabels, Quezon City kaugnay sa mga nakalalasong kemikal partikular na ang mercury-poisoning.
Nabatid kay Dr. Maramba na halos lahat ng vaccines na itinuturok sa mga sanggol simula sa kanilang pagsilang hanggang sa kanilang paglaki ay mercury-laced o nahaluan ng ethyl mercury bilang preservatives sa mga bakuna tulad ng Hepa-B vaccine.
Ayon sa ginawa nitong pag-aaral, simula pa noong 1995 hanggang sa kasalukuyan, sinasangkapan ng nakalalasong ethyl mercury ang mga multiple vaccine na pinagkakaloob ng mga private at public health clinics para sa mga bata ngunit ito ay mahigpit na pinagbabawal sa Europe at maging sa United States of America matapos na malantad ang masamang epekto nito. (Ulat ni Andi Garcia)