Namatay agad ang biktimang si William Hermigenio, 20, binata, habang namatay kamakalawa sa Fatima Hospital si Elmer Arnuco, 24 dahil sa tindi ng pagkasunog ng katawan.
Naganap ang nasabing insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa Transworld Rubber Corporation na pag-aari umano ng isang Dee Quang Ning, isang Chinese national, habang nagbabaklas ng yero mula sa bubungan nito ang mga biktima.
Dahil sa madalian ang trabaho hindi napansin na nakadikit ang yero sa livewire na kalapit lamang sa poste ng Meralco at agad nangisay ang dalawa.
Napag-alaman din na sinagot nito ang mga gastusin sa burol ng mga biktima ngunit itoy hindi na naiparating sa mga awtoridad.
Kasalukuyan ay magkatabing nakaburol ang dalawang biktima sa kanilang lugar sa Malabon. (Ulat ni Jhay Mejias)