Hunyo 30, 2002

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) – Magiging magaan ang tulong kung bukal sa puso ang pagbibigay. Tiyaking nasa tamang tao at pangangailangan ang tulong na mapapasakamay. Dahil sa taglay na pagkamaawain, huwag basta magtiwala dahil malapit sa iyo ang malinlang. Lucky numbers at color for the day ang 8-23-30-37 at gold.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Ang dinaranas na katamlayan ay maaaring nagmula sa kapaguran ng mga nagdaang araw. Pahinga ang kailangan upang manumbalik ang enerhiya at kasiglahan. Ang pagri-relax ay tinatawag ng panahon. Ilaan ang araw sa pamamahinga kasama ang pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 5-18-20-33 at oak brown.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– May hindi inaasahang pagkakagastusan ang darating. Kung anuman ang naitatabi ay puwersahang mailalabas. Huwag makakalimot na tumawag at magpasalamat sa Diyos sa lahat ng nangyayari sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 8-17-39-45 at baby pink.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Hindi magiging komportable ang biro ng ilang taong makakahuntahan kaya hangga’t maaari ay iwasan ang grupo. Malaking bagay ang makaiwas sa gulo. Gamitin ang bakanteng oras sa makabuluhang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 5-7-20-30 at orange.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Ang pagkakataon ng pangangailangan ay nasa iyo ngayon. Hindi maiiwasan ang makalapit ka sa isang kaibigan. Ngayon mapagtatanto kung sino ang tunay na kaibigan. Ang mga pangyayari sa nakalipas ay magiging aral sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 5-7-20-36 at avocado green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Malaki ang pagkakataong ang inaasahan ay dumating at matanggap. Maaaring may sorpresang dumating. Kung kabaligtaran ang mangyari, ibayong sikap ang gawin upang makamit ang minimithi. Lucky numbers at color for the day ang 3-19-32-43 at turquoise.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Ang kahihinatnan ng kapusukan ay kapahamakan na dapat supilin dahil ito ang magiging damdamin mo ngayon. Huwag sundin ang bugso ng damdamin at makabubuting pag-isipang mabuti ang kahihinatnan ng gagawin. Gamitin ang utak at hindi ang damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 3-5-26-34 at sapphire blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Walang perpekto kaya ngayon ang panahon para pag-aralan kung ano ang pagkukulang na nagawa. Maging basehan ang pagkukulang upang ituwid ang landas ng pagkakamali. Kung inaakalang may kasalanan, panahon ito para humingi ng paumanhin at patawad. Lucky numbers at color for the day ang 4-7-20-31 at beige.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Huwag hayaang lumaki ang hidwaan sa pagitan ng kaibigan, kaanak o minamahal. Madali ang solusyon kung sadyang nanaisin. Makabubuting ikaw ang gumawa ng paraan dahil sadyang malakas ngayon ang iyong karisma. Lucky numbers at color for the day ang 5-7-10-25 at mocca brown.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Iwasan ang ipagsapalaran ang perang gagamitin sa negosyo o nakalaan sa ibang panggastos. Ilaan ang araw sa pamamasyal kasama ang pamilya sa halip na magsugal o sumama sa mga barkada. Lucky numbers at color for the day ang 6-14-36-42 at chocolate brown.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– May mga pangyayaring kailangang sundin ang damdamin. Magiging mainitin ang ulo ng minamahal. Ipaalam ang damdamin sa malumanay na paraan nang maiwasan ang magkagalit. Lucky numbers at color for the day ang 3-12-27-40 at cream.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Malaking pagkakataon ang nasa iyo upang pag-aralang mabuti ang panukalang negosyong inaalok. Huwag basta pumasok sa anumang bagay na hindi tiyak ang kalalabasan. Kumonsulta sa dalubhasa kung may pagdududa. Lucky numbers at color for the day ang 4-6-30-41 at off white.

Show comments