Tama basa n’yo Luzon, Visayas, Mindanao —
“BALUTONG MACAU†at ‘di ko kayo wina-“WOW!â€
Mga balitang malulutong galing Macau
Nitong nagdaang dalawang linggo at araw.
Lumipad sa Macau nung November twenty-two,
After dinner gising na gising pa rin ako
Kaya nag-SILAT Machine muna sa casino,
What the fox say, “ding, ding, ding, ding, ding!†s’yempre talo!
Ngunit sa Silat Machine naman kasabihan,
Sa alalay na laro la’t ‘di kalakasan,
“Lose lang sa few cash but win sa kaligayahan!â€
Eh kung sinuswerte at jackpot natsambahan?!
Ang Silat Machine sa ganang akin kumbaga
Ay isang pera-phy, este therapy pala,
Ang mga mapaglarong ilaw at tunog n’ya
Bumubuhay sa dugo ‘wag ka lang sosobra.
To get some excitement lang ilagay sa ulo
At ‘wag isiping to get and beat the casino,
And be sure “extra money†lang ilalaro mo,
‘Di magiging sugal at dibersyon lang ito.
Pampalipas oras la’t maiba lang takbo
Ng pang-araw-araw na galaw at trabaho,
Sandali at parang naiba na rin tayo,
Tapos na lecture maituloy ko lang kwento…
Hanggang two-thirty ng Sabado na inabot,
What the fox say, “Tok, tok, ‘di pa rin inaantok!â€
Kaya nag-iPad na lang kung anong news patok
And because of dos news antok ko’y naudlot!
Dalawang balita kunektado sa buhok —
Isa ay ang nagpasikat ng kantang “Anak,â€
Alam n’yo namang marami s’ya n’yan sa tuktok,
Isa’y WALA nun pagkat Brazilian ang tampok!
Eh kasi si Ka Freddie may pinakasalan!
Bago asawa kaya bago rin pangalan!
At ‘yung “sabit†daw n’ya inyo nang kalimutan
Pagkat ginawa n’ya nag-convert na sa Islam!
Ka Abdul Farid na s’ya! ‘Yung F.A. naging A.F.,
Farid parang Freddie rin kanya pang naisip,
May new name din ang girl ng kanyang panaginip,
Mabuhay ang bagong kasal na naman! Hanep!
Kung hanap mo’y mas hanep eto mas matindi —
Ito’y tungkol sa isang Brazilian na sexy
Na pina-o-auction ang kanyang virginity!
Ngek! At kung sino highest bidder ‘yun ang swerte!
Thousand dollars na raw bid sa kanyang… hymen?
At gulong-gulo na raw around the world ang men,
Guaranteed naman daw ang kanyang pagka-birhen,
Why auction pa daw kung ‘di OKS ‘YON? Yes nga namen!
The next day one day bago okasyon ng aksyon —
“The Clash In Cotai†— marami ang nate-tensyon,
And later the night before aking naitanong,
“Hmmm … TULOG na kaya si Manny Pacquiao ngayon?â€
Ngek! What I mean is kung nagpapahinga na s’ya!
Of course dahil kailangan ng resistensya
At nang takdang araw na nga ay dumating na,
For the first time kaming tatlo ay sama-sama.
Tito, Vic & Joey at iba pang barkada,
Sa totoo lang medyo meron kaming kaba,
Dahil kung minsan “they come in threesâ€â€¦o, hindi ba?
Ngek! At baka kaming tatlo ang masisi pa!
At nagwagi naman ang Pambansang Kamao
At maluwag na nakahinga kaming tatlo,
Ngunit ang “they come in threes†ay nagkatotoo,
Kay Manny Pacquiao sumalubong ang pangatlo!â€
May Hero’s Welcome na, may Henares Welcome pa!
That’s “coming number three†for the son of Dionisia!
Kung nasalubong ni Rios mga bira n’ya,
Ang sumalubong sa kanya rito ay BIR-a!