Dear Dr. Love,
Natatawa na naaawa kami sa uncle namin. Matandang binata po siya at ngayon ay baliw na baliw sa imaginary girlfriend niya sa online.
Talagang madly in love ika nga, dahil halos hindi na tantanan ang pakikipag-chat. Imagine, umaga, tanghali, hapon, gabi at umaabot pa nang magdamag.
Kahit na napaka-busy sa work ni uncle ay nawe-way niya ang makipag-chat sa girlfriend niya.
Hindi ko lang kinakaya ay ang napapadalas nang pagpapadala niya ng pera sa karealasyon niya.
Dr. Love, ni minsan ay hindi pa niya nakikita ang girl. Dahil sobrang talamak ang fraud sa panahon ngayon, ang pangamba namin ay baka napapaniwala ang uncle sa hindi naman talaga totoong existing na girl. Dahil baka kung sino lang na nagpapanggap ‘yun para makadelihensiya, alam mo na.
Nung umpisa palang ay nag-attempt na akong sabihan si uncle, hanggang ngayon. Pero sarado siya sa mga paalala namin.
Ang totoo pa nga, nagagalit siya kapag eto na naman kami sa aming concern sa kanyang online love life.
Sa set up na sa webcam lang sila nagkakakitaan na dalawa, tumagal na rin ng ilang taon ang kanilang online relationship. Kung tutuusin paldo na ‘yung girl.
Pero di ba, Dr. Love iba pa rin ‘yung makikilala nang personal ang karelasyon mo? Kung minsan mistulang kontrabida na ang turing sa amin ni uncle. Pero ayaw ko na manatili siya sa walang kasigurahan na pakikipagrelasyon. Iniisip ko ngayon na ire-commend sa kanya na mag-research tungkol sa girl. Gaya ng personal na facebook account para mapatunayan na existing ang girl. Ang dami na kasing pwedeng gawin ng technology ngayon, ang saklap naman kung nadaragdagan ang taon ng pakikipagrelasyon ni uncle na imaginary girlfriend niya.
Ewan ko ba, hindi komagawang dedma na lang. Hindi na kasi iba si uncle sa aming magkakapatid. Pero ang nakikita namin sa ngayon, ang mahalaga sa kanya ay may girlfriend siya. Dr. Love, ano po ba ang best na gawin namin para matulungan si uncle na tiyakin kung hindiu ba siya naloloko sa kinalolokohan niyang girlfriend?
James
Dear James,
Sa panahon ngayon na lahat ay nahuhumaling sa online dating, hindi nakapagtataka na maging ang uncle mo na matandang binata ay ma-hook na rin dito. Isipin mo na lang, lumpas na siya sa edad at ngayon palang siya nagbibinata. Kaya naman talagang hindi siya papaawat. Pero para sa akin, hangga’t hindi ninyo nako-confirm kung tunay ang girlfriend niya, ay manatili kayo sa pagpapaalala sa inyong uncle.
Sang-ayon ako sa nabanggit mo na alamain ang account ng girlfriend niya. Gayunpaman, hindi natin saklaw ang personal na komunikasyon nila. Maigi rin na lagi mong ipagdasal ang iyong uncle, na kung totoo nga nagogoyo siya ay gumawa ng way ang Maykapal para malantad sa kanya ang totoo.
Dr. Love