Umibig ako sa bading

Dear Dr. Love,

Bumabati po ako ng isang ma­gandang araw sa inyo at sa lahat na staff members ng PSN.

Isa po ako sa tagasubaybay ng in­yong column at nais ko rin po sanang maibahagi sa marami ninyong mam­babasa ang aking karanasan sa pag-ibig.

Noon pong hindi pa ako napipiit, isa akong bar tender sa isang night club sa Makati City. Halos tatlong taon ako sa trabahong ito.

Dito ko nakilala ang isang bading na customer nang mag-order siya ng scotch on the rocks.

I treated him fairly as a good customer. Every night nagpupunta siya sa bar at ito ang naging daan para magkalapit kaming dalawa.

Mabait siya sa akin. Ibinabahagi niya sa akin ang kanyang mga prob­lema. At dito nagsimula ang hindi ko maipaliwanag na damdamin ko para sa kanya.

Very understanding siya, mayroon siyang ginintuang puso, sweet at caring­.

Until one night, tila isang bangu­ngot ang hindi inaasahang nangyari sa aking buhay. Pauwi na ako galing sa bar nang may nakita akong mga tao na nakapalibot sa parking lot.

Nag-usyuso ako para alamin kung ano ang pangyayari. At dito ko nakita ang isang lalaking nakahandusay sa lupa at duguan.

Nakilala ko agad na siya ang friend ko. Lumapit ako at binuhat ko siya para dalhin sa pinakamalapit na os­pital. Habang nakalulan kami sa am­bulansiya, ibinulong niya at sinabing biktima siya ng hold-up at sinaksak siya ng mga hindi niya kilalang tao.

Nang dumating kami sa paga­mutan, nalagutan na siya ng hininga.

Hindi ko matanggap na binawian na ng buhay ang kaibigan ko.

Ang kamatayan niya ang naging daan para malulong ako sa bawal na gamot. Nais kong malimot ang ma­sak­lap na pangyayari sa pagkaka­hiwalay namin ng aking kaibigan.

Ang hindi ko alam, ito na ang simula ng panibagong kalbaryo ko sa buhay. Nahuli ako sa illegal possession of prohibited drugs at nahatulang makulong sa loob ng walong taon.

Sa ngayon, nakakadalawa na akong taon sa kulungan. Habang narito ako, minabuti kong ipagpatuloy ko ang pag-aaral sa kolehiyo.

Sana po, mai-publish ninyo ang liham kong ito para magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat.

Maraming salamat po at more power to you.

Lubos na gumagalang,

Michael Anthony Javier

Medium Security Compound

Student Dorm 239 Bldg. 2

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Michael,

Hindi kita masisi kung nagkagusto ka sa isang gay. Maaaring sa kanya mo nakita ang mga katanginag hina­hanap mo sa isang babae o kaibigan.

Hindi malinaw sa liham mo kung nagkaroon nga kayo ng relasyon nang nasawi mong kaibigan.

Ang maaga niyang pagyao ay maaaring isang kagustuhan na ng Panginoon para ang isang mabait na tulad niya ay hindi na dumanas pa ng ibayong problema habang siya ay nasa lupa.

Nais na ng Panginoon na bumalik na siya sa Lumikha sa kanya at ma­rahil, para rin naman ikaw ay mailigtas sa bawal na relasyon.

Sana dapat ay naging ganito ang pananaw mo sa maaga niyang pagyao sa halip na nalulong ka sa bawal na gamot.

Anyway, marahil ay pumapailalim ka na rin sa rehabilitasyon. Ituluy-tuloy mo na ang pagbabagong iyan at gayundin ang iyong pag-aaral.

Mas matutuwa ang kaibigan mo kung malalaman niya na ang pagka­matay niya ay hindi mo na masya­dong ikalulungkot at magiging daan para pabayaan ang sarili.

Tanggapin mo lang na ang buhay natin dito sa mundo ay pansamantala lang at mayroon pa tayong patutu­nguhang buhay na walang hanggan sa sandaling ipasundo na tayo ng ating Lumikha.

Good luck to you at sana, ipana­la­ngin mo na lang ang katahimikan ng kaluluwa ng yumao mong ka­ibigan.

Dr. Love

Show comments