Parausan

Dear Dr. Love,

Ako po si M.E., 23 years-old at tubong Bicol. May boyfriend po ako dito sa Maynila at tawagin na lamang natin siyang Mr. Capricorn, 29 years-old.

Hindi ko po alam kung talagang mahal ako ng boyfriend ko. Sa telephone ko lang kasi siya nakilala at naging boyfriend. Tatlong buwan kaming mag-boyfriend sa telephone.

Nang magkita kami ng personal, pinaalala niya yung usapan namin sa phone na pupunta kami sa motel. Pumayag agad ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ako tumutol. Parang ginusto ko rin ang lahat dahil pakiramdam ko ay matagal na kaming mag-boyfriend. Ang gaan ng loob ko sa kanya.

Ngayon ay naguguluhan ako kung seryoso siya sa akin. Sabi niya ay mahal niya ako at walang magbabago. Sa muli naming pagkikita, gusto niyang maulit ang nangyari sa amin. Hindi ko alam kung papayag pa ako, Dr. Love.

Sana ay mapayuhan ninyo ako dahil wala akong ibang mahihingan ng payo kundi kayo lamang.

Lubos na nagpapasalamat,
M.E.


Dear M.E.,


Ikaw mismo’y hindi mo matiyak kung mahal ka ng boyfriend mo. Ako pa kaya?

Pero sa tingin ko, ginagawa ka lang parausan ng kasintahan mo. Ganyan ang maraming lalaki kaya maraming babae ang nalalansi.

Masarap lang iyan sa una. Kapag nagsawa na siya sa iyo, doon ka luluha.

At lalong masakit kung mabuntis ka’t iiwanan ka niya. Mag-isip isip ka.

Dr. Love

Show comments