Watchlist vs Corona, anak at manugang

MANILA, Philippines - Posibleng magpalabas ng watchlist order ang Department of Justice (DoJ) laban kay da­ting Supreme Court chief justice Renato Corona.          

Ayon kay DoJ Sec. Leila de Lima, makiki­pagpulong siya kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares para pag-usapan ang posibleng paglalabas ng lookout bulletin o lookout order laban kay Corona, anak na si Carla Beatriz Corona Castillo at asawa nitong si Constantino Castillo III.

Magugunitang sinampahan ng mahigit P150 million tax evasion case ng BIR sa DoJ ang mga Corona.

Pero giit ni de Lima, bahagi lamang ito ng pagganap ng kaniyang trabaho at hindi ito ginagawa bilang panggigipit.

Layunin nitong mabantayan kung sakaling aalis palabas ng bansa ang mga ito dahil responsibilidad ng mga ito na ipaliwanag sa publiko ang kanilang pagkakasala.

Show comments