Agosto 16 non-working day sa Tuguegarao

MANILA, Philippines - Idineklara ni Pangulong Aquino ang Agosto 16 bilang isang special non-working day sa Tuguegarao City.

Ipagdiriwang sa nasabing araw ang fiesta ng Tuguegarao na tatawagin din bilang “Pav-vurulun Festival 2011”.

Ang deklarasyon ng Pangulo ay nakapaloob sa Proclamation No. 214. Nakasaad sa proklamasyon na nararapat lamang na bigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Tugue­garao na maipagdiwang ang kanilang fiesta na nataon sa araw ng Martes.

Kabilang sa magiging highlights ng event ang outdoor cooking at eating contest ng Pancit Batil Patung, isang local noodle delicacy ng siyudad.

Show comments