MANILA, Philippines - Nahalal na director ng National Press Club sa katatapos na halalan dito kamakalawa ang chief reporter at kolumnista ng Pilipino Star Ngayon na si Butch Quejada. Nakakuha siya ng 280 boto na nag-akyat sa kanya sa ikaapat na puwesto sa board of director.
Kabilang pa sa bagong halal na opisyal ng NPC sina Jerry Yap, president; Vice President Marlon Purificacion; Louie Logarta, secretary; Amor Virata, treasurer; at Rolando Gonzalo, auditor.
Ang iba pang nanalo sa pagka-director ay sina Joey Venancio, William Depasupil, Percy Lapid, Kristina Maralit, Joel Egco, Ronniel de Guzman, Nats Taboy, Mina Navarro, at Freddie Mañalac.