Troop movement itinanggi ng AFP

MANILA, Philippines - Walang katotohanan ang napaulat na di-awtorisadong ‘troop movement’ ng Armed Forces of the Philippines sa mga kritikal na lugar sa Mindanao kaugnay ng paghahanda umano sa scenario ng ‘failure of elections ‘ para sa May 10 national polls sa bansa.

Ayon kay AFP-Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Ben Mohammad Dolorfino, lahat ng galaw ng tropa sa lugar na kaniyang nasasakupan ay merong koordinasyon sa Commission on Elections.   

Aniya, walang di ka­naisnais na ‘troop movement sa hurisdiksyon ng AFP-Westimincom na sumasaklaw sa Sulu, Basilan, Tawi-Tawi, Zamboanga Peninsula at Lanao Pro­vinces. (Joy Cantos)

Show comments