'Resurrection' daan ng pagbabago

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni  Manila Archbishop Gau­dencio Cardinal Rosales na ‘resurrection’ ang magiging senyales ng  pagbabago ng bansa  mula sa iba’t ibang problema at kalamidad na pinagdaanan.

Sa kanyang Easter Message, sinabi ni Rosales na hindi pahihintulutan ng  Panginoon na muling danasin ng bansa ang  pinagdaanan nito kung saan naapektuhan ang sanlibutan mula sa mga dumating na kalamidad.

Aniya, ang  muling pagkabuhay ng  Panginoon ay magiging daan para  makamit ng Pilipinas ang lubos na pagmamahalan, pagkalinga ng bawat isa at ang kapayapaan at ang pagtatapos ng kasakiman ng iilan  sa pera at kapangyarihan.

Bukod dito, ang muling pagkabuhay na sinusundan ng halalan ay indikasyon lamang  na magkakaroon ng maayos na eleksiyon  at mamumuno para sa bansa. (Doris Franche)

Show comments