Maagang eleksiyon sa 'hotspots', imposible

MANILA, Philippines - Malabong mag­ karoon ng mas maagang elek-siyon kung walang ba- gong batas na ipinapasa ang Kongreso.

Binigyan-diin ni Come­lec spokesperson James Jime­nez na ayon sa Kons­titus­ yon ay dapat sabay-sabay ang halalan sa buong ban­sa maliban la­mang kung may batas     na magta­takda ng hiwa-lay o mas maa­gang hala­lan sa ilang lugar.

Hindi rin madali ang magkaroon ng maagang halalan dahil mahahati   ang atensyon ng Comelec.

Gayunman, pabor ang komisyon na magkaroon ng maagang eleksyon upang masiguro ang ma-   a­yos at malinis na ha-    lalan sa mga itinuturing      na election hotspots.

Samantala, nainspek­syon na ng Comelec ang mga assembly line na gagamitin para sa mga makina sa eleksyon sa susunod na taon.

Sa Suzhou, China si­nuri ng three-member team ng Comelec ang Qisda Factory upang masiguro na matatapos sa takdang oras ang mga makina.

Kumpiyansa ang Smart­matic na matatapos ang 82,200 na mga makina      sa Pebrero 8 ng susunod na taon. Unang ibibiyahe ang 3,200 na mga makina na darating sa bansa sa Disyembre 27.

Tiniyak din ng Smart­ma-tic na isasailalim ang mga makina sa mga pag­ susuri upang masigurong hindi   ito papalpak pagda­ting ng eleksyon.   (Doris Franche)

Show comments