Isyu ng Hacienda Luisita pinabubusisi ng Malacañang

MANILA, Philippines - Nanghimasok na ang Malacañang sa isyu ng Hacienda Luisita matapos utusan ni Pangulong Arroyo ang Department of Agrarian Reform (DAR) na imbestigahan ang hinaing ng mga mag­sasaka.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, pi­nasisilip din ng Pangulo ang kaugnayan ni Sen. Noynoy Aquino o kung nadadawit lang siya sa isyu ng nasa­bing land dispute.

Sinabi ni Remonde, dapat ay makipagtulungan din ang pamilya Aquino-Cojuangco gayundin ang mga manggagawa sa Hacienda Luisita sa DAR.

Nilinaw naman ni Re­monde na walang kina­laman sa pulitika ang na­ging kautusan ng Pa­lasyo. 

Ginunita kamakailan ng mga manggagawa ng Hacienda ang naganap na masaker sa nasabing sugar mill ng pamilya Aquino-Cojuangco sa Tarlac ma­tapos 7 manggagawa ang nasawi sa madugong dispersal noong Nov. 16, 2004. (Rudy Andal)

Show comments