Lie test hamon kay Roxas

MANILA, Philippines - Hinamon ni Bantay Partylist Rep. Jovito Pal­paran at Anad Partylist Rep. Pastor Jun Alcobar si Fil-Am activist Melissa Roxas na sumailalim sa lie detector test upang patu­nayan nito na hindi siya kasapi ng rebel­ deng New Peoples Army.

Sa isang press conference, sinabi ni Palparan at Alcobar na handa rin nilang sabayan si Roxas sa lie test para mapatu­nayan kung sino ang nag­sisinungaling sa kanila.

Maging si Bayan Muna Partylist Rep. Satur Ocampo ay hinamon din na sumailalim sa polygraph examination.

Sinabi ni Palparan na ang nakuha nilang video footage ang nagpapatunay umano na kasapi ng NPA si Roxas nang makunan ito sa training ng NPA sa Aurora province.

Handa anyang lumu­tang ang kanilang testigo para patotohanan ang partisipasyon ni Roxas sa NPA. (Angie dela Cruz)

Show comments