Dayaan sa 2010 polls posible pa rin

MANILA, Philippines - Posible pa rin uma­nong magkaroon ng “tampering of votes” sa May 10, 2010 elections kahit pa computerized na ang isasagawang halalan.

Bunsod nito kaya hini­kayat ng Commission on Elections ang mga botante sa bansa na bantayan ang kanilang mga boto upang matiyak na walang da­yaang magaganap. 

Ayon kay Comelec spokesman James Jime­nez, posibleng maganap ang pag-tamper sa mga boto sa pagpapasok ng mga balota sa polling machines o bago pa man isagawa ang computerized counting.

Aniya, posibleng “ma­tuk­ so” ng kampo ng mga pulitikong nais makapan­daya ang mga tiwaling Board of Election Inspectors (BEIs) para sagutan na ang mga balota, bago pa man ibigay sa mga bo­tante.

Sa ganitong paraan aniya maaring maisagawa ang tampering, lalo na kung hindi mapapansin ng mga botante na ang balo­tang ibinigay sa kanila ay may­roon nang shades ang ilang bahagi.

Pinayuhan ni Jimenez ang mga botante na tiya­king blangko o “unshaded” pa ang mga ba­lota na kani­lang gagamitin sa pagboto.

Tiniyak rin nito na hindi tatanggapin at bibilangin ng mga polling machines ang mga pekeng balota. (Mer Layson)

Show comments