Petisyuner vs Estrada tao ng presidentiable

MANILA, Philippines - Isa umanong alalay ng isang presidentiable ang nagsampa sa Sandi­ganbayan ng petisyong humihiling na bawiin ang pardon na ipinagkaloob ng pamahalaan kay dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Ito ang parunggit ni Estrada sa isang Vir­ gilio Pascual na nag­sampa ng naturang pe­tisyon para ipawalam­bisa ang presidential pardon na ipinag­kaloob sa kanya ni Pa­ngulong Gloria Arroyo noong Oktubre 2007.

Sinabi ni Estrada na isinampa ni Pascual ang petisyon dahil kakandi­dato rin siyang presidente sa halalan sa 2010.

Hindi pinangalanan ni Estrada ang presiden­tiable na pinaglilingkuran umano ni Pascual. (Jose Rodel Clapano)

Show comments