"AHN1" ituturing na lang na trangkaso

Paiigtingin pang ma­buti ng Department of Health ang pagkumpirma ng mga inuulat na kaso ng influenza A H1N1 virus sa bansa.

Ayon kay Dr. Eric Ta­yag, hepe ng National Epidemiology Center ng DOH, inaasahan na nilang darami ang magre-report ng mga hinihinalang kaso dahil mauuso na ang mga trangkaso sa panahon ng tag-ulan.

Dahil dito, muling pi­na­­yuhan ng DOH ang publiko na palakasin ang resis­tensya ngayong tag-ulan para makaiwas sa trang­kaso o anomang sakit.

Unang sinabi ng DOH na posibleng baguhin na anila ang pamamaraan ng pagtrato sa Influenza A H1N1 virus at ituturing na lamang itong karani­wang sakit na trangkaso.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mauubos ang pondo ng gobyerno kung pana­natilihin ang kasaluku­yang paraan ng pagtrato sa problema ng virus. (Doris Franche)

Show comments