MANILA, Philippines - Binalewala ng Court of Appeals (CA) ang kahilingan ni dating Batangas Governor Antonio Leviste na makapagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan habang nakabinbin pa ang kanyang apela sa kasong homicide.
Sa ipinalabas na resolution ni Associate Justice Martin Villarama ng CA Third Division, nilinaw nito na mabigat ang naging pagkakasala ni Leviste matapos na mapatunayan ng prosekusyon na pinatay ni Leviste ang kanyang long-time aide na si Rafael delas Alas
Nilinaw pa ng CA na kahit na nakakuha si Leviste na medical certificate mula kay Dr Ma. Lourdes Razon ng New Bilibid Prison (NBP) ay nabigo pa rin nitong mapatunayan na malala ang kanyang karam daman. (Gemma Garcia)