Ebola sa Bulacan, di pa rin tapos

MANILA, Philippines - Bagamat nasunog na ang may 6,000 baboy na infected ng ebola reston virus sa Pandi, Bulacan, hindi pa rin umano tapos ang problema sa nasa­bing virus sa lalawigan.

Ayon kay Bureau of Animal Industry (BAI) Director Dave Catbagan, ta­pos na tapos na nga ang de­population o pag­patay sa mga baboy ngu­nit kaila­ngang siguruhin muna nilang wala nang lugar sa buong Bulacan gayundin sa iba pang lugar sa bansa na kinapi­tan ng ebola res­ton virus.

Aniya, umabot sa 6,210 na baboy ang sumailalim sa depopulation process at siniguro nilang lahat ay na­sunog at naibaon noong Biyer­nes ng gabi..

Pinasimulan na rin umano nila ang paglilinis sa hog farm ngunit aabu­tin umano ng anim na buwan bago muling ma­kapag-alaga ng baboy ang mga hog farmers dito.

Samantala, sinabi na­man ni Agriculture Secretary Arthur Yap na susu­yurin nila ang buong Central Luzon ngayong tag-araw kapag natanggap na nila ang Elyza test kit mula Atlanta na siyang gaga­mitin sa pagsusuri ng ebola res­ton virus.

Aniya, mahalagang ma­­gamit ang naturang test kit dahil sa pamama­gitan nito ay on the spot na ma­susuri ang mga makuku­hang blood at tissue sam­ples at doon ay agad na malala­man kung ang isang baboy ay may sakit o wala.

Matatandaang uma­bot sa anim na araw ang gina­wang proseso para patayin ang 6,000 baboy na may dalang ebola res­ton virus. (Angie dela Cruz) 

Show comments