Dela Paz nakalusot

Nakalusot sa kasong sibil si dating Philippine National Police-Comptrollership Chief ret. Director Eliseo dela Paz matapos niyang maiba­lik ang nalalabi pang kaku­langan sa kabuuang 105,000 Euros o kabu­uang P6.93 milyon na nakumpiska rito sa Russia noong Oktubre 2008.

Sinabi ni PNP-Finance Service Director Chief Supt. Rey Lañada na ang 40,000 Euros ay ibinalik ng Russian lawyer ni dela Paz na si Atty. Alex Benitz­ky sa account ng PNP sa Land Bank of the Philippines.

Una rito, binalaan ni PNP Chief Director Gen. Jesus Verzosa na sa­sam­pahan ng kasong sibil si dela Paz kung ma­bibigo itong ibalik nitong Lunes ang kakulangan sa nasa­ bing pera.

Nabatid na ang kaku­langan na ibinayad ni dela Paz ay donasyon naman ng mga kaibigan nito.

Si Malaya ay personal na nakipagkita kay Laña­da upang ibalik ang na­sabing halaga na katum­bas ng 65,000 Euros na ibina­yad sa PNP account. (Joy Cantos)

Show comments