500,000 trabaho laan sa OFW

Inanunsiyo kaha­pon ni Pangulong Glo­ria Macapagal-Arroyo na, sa kabila ng naga­ganap na global financial crisis, mayroong 500,000 bakanteng trabaho na naghihintay para sa mga overseas Filipino worker.

Ayon kay Labor Se­cretary Marianito Ro­que, mayroong job orders para sa mga OFW lalo sa construction sector sa Middle East, Canada at Australia.

Pinayuhan naman ni TESDA Director-General Augusto Syju­co ang mga Pilipinong naghahanap ng tra­baho sa ibayong-dagat na sumailalim sa pag­sasanay sa TESDA tulad sa welding, roofing, carpentry at tile laying upang maging competitive ang mga ito sa paghahanap ng kanilang trabaho. (Rudy Andal)

Show comments