Quezon di na hahatiin

Hindi na matutuloy ang gagawing paghihiwalay sa lalawigan ng Quezon matapos maglabas ng resolution ang Supreme Court (SC) en banc na tinutuldukan ang petition na kumukontra sa paghahati ng naturang probinsiya.

Nilinaw ng CA na inatras na ng mga petitioner na sina Walfredo Sumilang, Frumencio Pulgar at Hobart Deveza Dator ang kanilang kahilingan na huwag pahintulutan ng mga mahistrado ang pagtatatag ng Quezon del Sur at Quezon del Norte.

Nauna nang dumulog sa mataas na hukuman ang mga petitioner upang ipaharang ang itinakdang plebisito sa lalawigan noong December 13, 2008.

Gayunman, hindi pinigil ng Korte Suprema ang naturang referendum ngunit ipinag-utos na anuman ang magiging resulta ng eleksiyon ay hindi muna dapat isapubliko.

Sa nabanggit na referendum ay nanalo ang mga kontra sa paghihiwalay ng lalawigan kumpara sa mga nagsusulong na hatiin ang probinsiya.

Dahil dito kaya maituturing umano ng SC na moot and academic na ang nasabing isyu kaya tinatapos na ng Mataas na hukuman ang naturang usapin. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments