Fish kill bubusisiin

Sinimulan na ng Philippine Coast Guard ang imbesti­gasyon sa napaulat na paglulu­tangan kama­kalawa ng mga na­ngamatay na isda sa Manila Bay ka­maka­lawa.

Ayon kay Coast Guard commandant Vice-Admiral Wilfredo Tamayo, nagpadala na sila ng grupo mula sa Marine Environmental Protection Unit ka­sama ang mga personnel sa Coast Guard Station Manila upang mama­hala dito.

Unang isasagawa ang water sampling sa Manila Bay at ma­ngungolekta ng fish sample para isailalim sa laboratory analysis at malaman ang sanhi ng pagkamatay ng mga isda. (Mer Layson)

Show comments