Ipagdiriwang ngayong Marso 1 ng Muntinlupa City ang ika-13 taong anibersaryo ng pagiging isa nitong lunsod.
Tampok dito ang inagurasyon sa bagong city hall at ang State of the City Address ni Mayor Aldrin San Pedro.
Inimbitahan ni San Pedro si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagpapasinaya sa bagong gusali ng city hall.
Sa kanyang State of the City Address, ihahayag niya ang mga programa at proyektong ipinatupad niya mula nang manungkulan siya noong Hulyo ng nakaraang taon. Kabilang dito ang mga nasa imprastruktura, kalusugan, edukasyon at kapayapaan at kaayusan.
Sa pagdiriwang, pararangalan ng lunsod ang 10 pangunahin nitong taxpayer.