Berroya napromote na DOTC Usec.

Promoted bilang Un­ dersecretary ng Department of Transportation and Communication (DOTC) si Land Transportation Office (LTO) Chief Reynaldo Ber­roya.

Ito ay masayang ibina­lita ni Berroya sa kanyang mga tauhan sa LTO at personal siyang nagpasalamat sa mga taga-LTO hinggil sa suportang ipinagkaloob ng mga ito sa kanyang panga­siwaan.

Gayunman, nananati­ling umaaktong LTO Chief si Berroya dahil sa wala pa naman itong pormal na dokumentong natatang­ gap mula sa Malakan­yang.

Sinasabing pagdating ni Pangulong Arroyo sa Lunes Enero 28 ay ihahayag ng Chief Executive ang ma­ giging bagong LTO Chief.

Una rito, iniulat ni Pa­ngulong Arroyo at DoTC Secretary Leandro Men­doza na ilagay si Berroya bilang Under­secretary for Telecommunication ng DOTC dahil sa expertise nito sa communications and intelligence networks.

Ilan sa mga matunog na susunod na LTO Chief sina DoTC special assistant Bert Suansing, DoTC Usec. for Land Transportation Anneli Lontoc at Gen. Danilo Mangila ng PASG. (Angie dela Cruz)

Show comments