Erap balik-Tondo

Muling bumalik kaha­pon sa Tondo, Maynila si dating Pangulong Joseph Estrada para muling mag­sagawa ng medical mission at pasalamatan na rin ang mahihirap na komu­nidad sa suportang ibini­bigay sa kanya ha­bang siya’y nakapiit.

Kasabay nito ay uma­pela si Manila Mayor Al­fredo S. Lim sa mga kri­tiko ni Estrada na huwag big­yan ng maling impres­yon ang pagbisita ng dating Pangulo sa mga depressed area, bilang pa­mumulitika at pagkam­panya.

“Maski nakakulong ako ay ibinoto ninyo si Loi at ang aking anak bilang senador. Mamamatay ako at mabubuhay na muli, hindi pa rin ako makaka­bayad ng utang ko sa inyo.

“Nabatid na nagsa­gawa ng medical at dental mission si dating Senator Loi Ejercito kasama si Estrada sa Parola 1, Tondo kung saan libong Mani­lenyo ang napagka­looban ng libreng pang­gagamot. Bukod pa ito sa isina­ga­wang pagdalaw din sa Vitas at Smokey Mountain kamakailan.    

Tinatanggap pa rin ni Estrada ang sarili na siya ang ama ng oposisyon at sinabi niyang kahit nabig­yan siya ng presidential pardon ay imposible pa rin silang maging magka­kampi ni Pangulong Arroyo. (Ludy Bermudo)

Show comments