Erap ‘di puwede sa 2010

Nanindigan kahapon sina Sens. Panfilo Lacson at Richard Gordon na hindi na maaaring tumakbo sa 2010 presidential elections si dating Pangulong Jo­seph Estrada.

Ito ang naging posisyon ng dala­wang mam­babatas mata­pos na aminin ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na may posibilidad pa ring tumakbo sa darating na halalan ang kanyang ama dahil hindi naman malinaw sa Konsti­tus­yon na pinag­baba­walan na siyang tu­makbo muli.

“Si President Joseph Es­trada, na-restore ang politi­cal and civil rights niya. Ang problema reelection, mali­wanag sa Constitution pag na-elect ka na di ka na pu­wede tumakbo for re­election for President or Vice-Pre­sident,” paliwanag ni Lacson.

Ipinaliwanag ni Sen. Estrada na “gray area” ang sina­sabing prohi­ bition sa pagtakbo muli ng nahalal na Pangulo ng bansa dahil sa kaso ng kanyang ama ay hindi naman nito nata­pos ang kanyang termino.

Ngunit ayon naman kay Gordon, chairman ng Se­nate committee on cons­titutional amendments, revision of codes and laws, basta’t sinabi ng Kons­titusyon na hindi na eligible for reelection ang nanalong presidente ay hindi na ta­laga maaaring makatakbo muli si Estrada kahit na tat­long taon lamang itong nakapagsilbi nang mapa­talsik sa people power noong Enero 2001.

Kung ipagpipilitan uma­no ito ng mga Estrada, po­sibleng umakyat sa Su­preme Court (SC) ang usa­ping ito.

Nagkaroon ng kulay ang pag-iikot ni Estrada sa mga balwarte nito para sa kanyang pro-poor prog­ram, dahil parang prepa­ras­yon umano ito sa muling pag­takbo niya. (Malou Escudero)

Show comments